NABIGO ANG tangkang palusot ng isang kompanya nang maispatan ng mga matang-agila ng mga tauhan ng Manila International Container Port (MICP) X-ray Field Office and dalawang unit ng forklift machines at iba pang makinarya noong Hulyo 29 na patotoo na talagang totohanan ang kontra ismagling na kampanya ni XIP Head Atty. Ma. Lourdes Mangaoang.
Sa report ni Renato D. Palgan, MICP Field Officer and concurrent Luzon Area Supervisor, ang hindi idineklarang forklift machines at iba pang kagamitan ay kasama sa kargo ng 4x40’ container vans mula sa China (Import Entry No. 115863).
Idineklara na pawang gamit sa bahay at iba pang hardware na nakapangalan sa Aldero Enterprises.
Sa image analysis na ginawa nina XIP Inspectors Rielito A. Hernandez at Vincent Anthony G. Guzman natuklasan ang tangkang pagpapalusot sa dalawang forklift machines, kaya agad na inalerto ng Office of the Commissioner.
Nag-isyu agad ang OCOM ng alert order laban sa kargamento ng Aldero na mahaharap sa kasong ismagling.
FORKLIFT MACHINES
INDUSTRIAL MACHINERIES
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento